Panalo ang Pinoy!
Gagawin kong Tagalog ito dahil nag-uumapaw sa yabang este, pagmamalaki ang dibdib ko ngayon. (Bakit parang bastos iyong linyang iyon? Ah, basta!)
Dahil nalasing sa kasaysayan ang isip ko sa nakalipas na ilang araw (at dahil na rin sa utos ni FW), nagpunta ako at isang kaibigan sa Maynila para silipin ang National Museum at ang Museum of the Filipino People.
Nag-cover ako ng Senado (na pinalayas ng National Museum mula sa 4th floor noong 2003) kaya alam ko kung nasaan ang NM.
Ang Finance Building pala ay siya nang tahanan ng Museum of the Filipino People. Kahapon ko lang nalaman iyon.
Sa parehong museum, ipinapaiwan ang bag at camera. Cellphone at wallet lang ang puwede mong dalhin. Kaya pasensiya, dalawa lang ang kuha ko gamit ang telepono ko.

Sentro pa rin ng NM ang Spoliarium. Pangalawang beses ko itong nakita kahapon. Noong una, noong uhugin pa akong reporter ng Senado, hindi ko kinaya ang emosyon na hatid nito. Marahas, madilim, at nakakahindik ang gawa ni Juan Luna.
Kahapon, iba naman ang epekto sa akin ng obra ni Luna.
Naisip ko na "Room of Spoils" siguro ang pinagmulan ng Spoliarium. At batay na rin sa ipinakikita ni Luna, talagang kuwarto ng mga nasirang buhay ang kanyang ginawa. Naging mas sentro rin ng atensyon ko ang babae sa kanan, at kung ano ang dalamhati na nararamdaman niya sa walang silbing pagkamatay ng mga mandirigma ng Roma.
Ayon sa iba't-ibang babasahin, ang Spoliarium ay isang silid sa ilalim ng Roman arena kung saan dinadala ang mga napapatay sa labanan ng mga gladiator. Kakaiba mag-aliw ang mga Romano kapag nababagot, ikamamatay mo.
Nasa NM rin ang mga gawa nina Felix R. Hidalgo at Luna, karamihan ay ipinahiram ng Far East Bank and Trust Company.

Pogi pero kakaiba ang ayos ng buhok ng Ilocanong si Luna, batay sa sarili niyang gawa at sa pagguhit sa kanya ni Hidalgo. Parang naririnig ko ang mga sosyal na tao na tumitili ng "Ewww, makeover, now!"
Bukas din ang NM sa mga batang manlilikha. May exhibit ng modern art sa isang kuwarto.
Sa MFP, naroon ang koleksion ng mga libingan, banga, plato, at iba pang gamit na natagpuan ng mga archaeologists mula sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas, mula sa iba't ibang panahon ng mundo.
Makikita batay sa ukit at sa panahon na pinagmulan na ang mga Pilipino pala, mula pa noong unang panahon, ay may sining na at may kakayahang lumilok ng mga bagay na kailangan niya sa araw-araw.
May talino ang Pilipino, gumagawa at nag-iisip, kahit pa bago dumating ang mga higanteng butiki na may paa. Mayroon na rin siyang konsepto ng paniniwala sa isang Lumikha.
May mga patunay rin na bago pa man dumating ang mga Espanyol, may pakikipagniig (Teka, bastos yata iyon) at pakikipag-negosyo na sa ibang lahi ang Pinoy.
Malaking bahagi ng MFP ang naiahong gamit mula sa lumubog na San Diego, isang barkong pandigma, noong 1600.
Kung magkakaroon ka ng panahon, bisitahin mo ang dalawang museum at tulad ko marahil, lalapad ang dibdib mo na isa kang Pinoy.
Note: Sa NM, P70 ang bayad bawat tao. Pero isang pangalan lang ang ipinasusulat nila sa logbook.
Sa MFP, P100 ang bayad, pero isang pangalan din ang ipinasusulat nila sa logbook. Ang ginawa ko ay isinulat ko pareho ang pangalan namin ni Yowee sa MFP, at hiningi ko ang resibo. Hindi ito napupuna ng ibang nagpupunta. Tingin ko, dapat ay ayusin ng dalawang museum ang sistema ng paniningil, at huwag itong iwan lang sa guwardiya. Dagdag na pondo rin ito para sa ating museum.

24 Comments:
honestly, havent seen the spolarium yet. ive never been to the national museum yet. kakahiya pero yan katotohanan. bawal kasi kumuha ng picture.
dong, hamo na. hindi rin naman makukuha ng camera ang mararamdaman mong yabang, este, pagmamalaki, kapag nakita mo ang husay ng sinaunang Pinoy.
ewan ko ba, tuwang-tuwa ako bilang Pilipino matapos kong makita ang museums na ito.
high school pa ako nung una at huli kong nakita ang spolarium, kung di pa magkakarun ng educational tour (mula quezon province ha). natatandaan ko nasa gitna sya ng malaking hall (tapos me kordon), madilim na sakto lang naman para maramdaman yung sigaw nung painting, me kilabot ng konti pero bata pa ako nun para ma-absorb ko lahat hehehe.
Nakita ko na rin ang Spolarium..eerie...pero reflection sya ng kahusayan ni Luna. Ayus yung hairstyle nya ha. Imfernes.
Binigyan mo ko ng idea kung saan ko dadalhin ang mga inakay ko sa iskul na pinagtatrabahuhan ko para sa educational trip namen :-)
Museum na din pala ang Finance Building? Halata na ngayon ko lang nalaman ano?
Isang beses lang ako nakapasok sa NM at iyon ay noong nasa kolehiyo pa ako. (Kailangan kasi sa Phil History). Hindi ko na din maalala kung may bayad ba noon o wala.
Kapal naman ng mga mukha nun mga nangangasiwa sa NM at MFP.
zherwin, you have the mind and the memory of a good artist.
pearl, yes, please. sa NM at MFP mo dalhin. magkatabi lang iyon at may discount for students.
i really resent the way history was taught to us. ang dami kong ngayon ko lang natututunan.
por ehemplo, sino ba ang nagpapatay kay bonifacio? hindi itinuro sa amin na si aguinaldo pala ang nagpapatay sa kanya. tse!
jho, kahit ako this week ko lang nalaman. ang showbiz reporters kasi, hindi naisasama ang ganitong mga bagay-bagay. hay!
hamo, sikapin kong iparating sa NM at MFP na may ganoong problema sa tiketan. medyo hindi siguro nila naiisip na nalulusutan sila.
the spolarium is my favorite.
thanks for the advice. the last time i've been there was on a date with misis nung 'dating' stage palang kami.
we go museum hoping as an alternative to going to malls.
have you been to the MET along roxas? okay din dun.
Daanan ko ang lugar na yan araw-araw nung nag aaral pa ako. Dyan kasi ako sumasakay pauwi galing school. Nakakahiyang aminin pero ni minsan, hindi ko napasok ang NM.
Pag may panahon, dadalhin ko ang anak ko dyan. Ma "immersed" man lang sa kultura natin.
Higanteng butiki na may paa? are you referring to dinosaurs? Weren't they all extinct long before humans came into the big picture? O, huwag mo akong pupukpukin ha? :-D
I remember the first time I saw the Spolarium.I didn't expect it to be that big a painting.
But the size wasn't the most shocking thing. It was the painting itself. As if it could breathe and tell stories to townsfolk on lazy nights around the fire.
malapit ba sa luneta ang national museum? matagal ko na gusto makita ang spoliarium. sidetrip na rin sa luneta. di pa ako nakapupunta dun.
beatburn, ang galing ng dates niyo. may ilan pang works ni luna na nasa NM. kaya lang, sayang di ko pa nakikita iyong parisian life. may isa pa siya na di ko alam kung nasaan, iyong the death of cleopatra. (puro dark ang works ni luna noong nasa paris siya.)
blogusvox, winner kang tatay. :) kumusta na ang balikbayan?
rudy, lika rito, gawin kitang extinct.
retro, the size aims to shock, the content was meant to awe yata. :) life-size talaga iyong mga characters na nasa painting. and then the lighting makes it more dramatic. eerie talaga. haaaay. ang galing ni luna.
scud, baba ka lang sa taft, sabihin lang sa NM ka. magkatabi lang ang NM at finance building. paglabas mo ng finance, sa tabi noon ay barbara's. luneta na iyon.
i felt like a kid again that time, ate jj. if i were rich, ipag fifield trip ko rin ang mga bata sa probinsya doon. ang dami ko ring natutunan tas ang sarap i-share sa mga bata. hamo, pag uwi ko sa cebu. sayang at di tayo pwedeng kumuha ng pics inside. ang sarap ng feeling na makakapunta ka sa mga lugar na nababasa mo lang. ang swerte swerte ko! :D Salamat, Ate JJ. para kang si Santa Claus ko. ahahaha.
yowee, hamo, magpapapayat na talaga ako. HAHAHA!
alam mo una kong nakita ang spolarium noong bata pa ako
kasama palagi yan sa mga field trips namin, eh
20 years later, ngayon ko lang naintindihan ang importansya nya sa atin
sa bagay, late bloomer talaga ako
hehe
madami pang dapat matutunan sa buhay
raft3r, kung ako nga, ngayon lang natututo tungkol sa history natin. ngayon ko lang nalaman na salbahe si aguinaldo. tse siya!
atticus - di ba dinaya ni aguinaldo si bonifacio? tapos siya rin ang nagpapatay kay luna? salbahe talaga yun.
scud, ipinapatay ni aguinaldo si andres at procopio bonifacio. tapos, si antonio luna naman. tapos, iyong pera ng mga kano, gusto niya sa personal account niya ilipat.
punyeterong...noon pa man, tinatawag na nating honorable ang mga di bagay sa tawag na iyon!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home