Mabuhay ka!
Narinig ko ito sa taxi ilang linggo na ang nakararaan. Si Armida Siguion-Reyna ang nagbasa nito. Sa kanyang tinig na papalit-palit mula sa pagiging malamlam, malambing, aburido, galit, nag-aalsa, kumakalma, nabigyan ng buhay ang sinulat ni Pete Lacaba, isa sa mga mahuhusay at mapagpakumbaba nating manununulat.
Ibinabalik tayo ng mga susunod na salita sa mga payak na aral na sinikap idikdik sa ating kamalayan noon bilang bata, bilang kabataan, bilang padre o madre de pamilya, bilang mamamayan.
Mga simpleng bagay na makapagpapaayos sana sa ating lipunan, dangan nga lamang at madalas natin itong kinakalimutan, o isinasaisantabi, kapalit ng maalwan na buhay habang nakatapak sa paa ng kapwa.
TAGUBILIN AT HABILIN
Sinulat ni Jose F. Lacaba
Binigkas ni Armida Siguion-Reyna
Musika ni Ryan Cayabyab
Mabuhay ka, kaibigan!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin: Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko: Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan. Mabuhay ka.

22 Comments:
Ang pag sigaw ng "mabuhay ka" ay isang pagbunyi sa ano mang ginawa ng tao. Ngunit sa aking pananaw iba ang ibig ipakahulugan ng mga katagang ito ng may akda.
Hindi kaya magkahalintulad sa "huwag kang susuko"?
matalinhaga ang iyong winika, blogusvox.
ikaw ba iyan?
oo, tama ka. bukod sa pagbubunyi sa isang tao, ang "mabuhay ka" sa mga talatang ito ay maihahambing sa "huwag kang susuko."
Anak ng lizard naman. Bihira na nga'ng mag salita ng purong Tagalog, ayaw pang paniwalaan.
Ini-ehersisyo ko lang ang matagal ng kinakalawang na natutunan sa balarila.
hahaha! looks like you miss tagalog. umuwi ka muna kaya at nang mapraktis ang dila mo sa tagalog. marunong ba ang daughter mo magtagalog?
There are days when I still wish that I ought to have just stayed home and fought the battles there. That's the part of me right now that is egging me to ditch a parachute and do something I've long wanted to do.
panaderos, if you feel like it's something you want to do, then ditch the parachute. maybe it's time.
whatever you do, do it with glee.
This post has been removed by the author.
i always loved that word
"mabuhay"
iba, eh
sobrang joyous ang dating
saka buhay pala si armida, ano?
she scared me when i was younger
yun show nya sa channel 9 na puro kundiman
panakot ng nanay ko sakin yon noong bata pa ako, eh
hehehe
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
you are right on this.
I THINK sa sobrang panggigipit, ang isang taong ginipit, despite takot, lumaban na din.
Puno na kasi.
MABUHAY yung patuloy na ipaglalaban ang tama, ng hindi natatakot.
Thanks for visiting my blog.

i heard that too while on a cab on my way to work. ganda. buti na lang andyan ka at meron na ako copy. salamat!
hindi na uso ang "pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay".
ang uso na, pag bonato ka ng bato, bambuhin mo ng tubo."
"Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.">>> great line. courage is perfected here.
kailangan talaga natin ito kasi dami na ngayon nagiging emo. mas nanalig ang takot kaysa sa tapang na lumaban at umasenso.
Yan ang hirap pag ang bata ay lumaki dito. Taglish ang salita nya with a springkling of arabic and bisayan words.
RAFTER, iyong mga kundiman na iyon, mataas ang value dahil kulturang pinoy ang isinusulong. sayang wala na. pero sana may mga ganoong programa pa, kaso walang pera roon.
FRANCESCA, sana huwag laging paabutin sa sukdulan bago magsalita. kung minsan kasi, gulo na ang kasunod pag pumuputok na sa galit ang apektado bago umaray.
SCUD, kakaiba sa pakiramdam mapakinggan ang lola armida, di ba? may credibility kasi alam mong lolang palaban. hindi laging tama ang posisyon sa isyu, pero lumalaban sa pinaniniwalaan.
LAWSTUDE, iyan ang formula para sa gulo. hahaha.
DONG, hindi lang emo. iyong reklamo nang reklamo, pero pag tinuruan mo ng gagawin (pumunta kay kapitan, kay konsehal, etc.) sasagutin ka ng "wala namang mangyayari, di bale na."
mas gustong magreklamo, wala namang ginagawa.
BLOGUSVOX, ganyan talaga. pero paglaki niya, at least may tatlo na siyang lengguwahe na alam. :)
hinahanap hanap ko itong kopyang ito nang marinig kong i-air sa dzmm. kokopyahin ko ha...
pagkagandang pagtula ni Armida.. punung-puno ng pakikibaka at pagmamahal sa bayan at sarili.
bing, i think it's part of the cd called "CD NI LOLA." sure, copy away.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home