Saturday, June 28, 2008

Magulang

Gabi na nang matanggap ko ang text galing sa isang kaibigan na matagal ko nang di nakikita. Kumpare ko siya at nasa high school na ang inaanak ko. Itago natin siya sa pangalang akma sa kanya sa insidenteng ito.

BOPOL: Hey, tatakbo na student council president ang inanak mo. May idea ka kung ano ang magandang gimik?

ATTICUS: Mamigay ka na lang ng leaflets na may picture niya at i-outline niyo nang malinaw ang projects niya.

BOPOL: Standard na iyon. Mamimigay rin kami ng cookies. Lalagyan namin ng "From friends and supporters of Bopol Jr."

ATTICUS: Bribery iyan! Anong klaseng magulang ka? A form of vote-buying. Iyan ba ang itinuturo mo sa mga anak mo? Alam niyo namang pareho ng bata na hindi totoo na galing sa "friends and supporters" niya ang mga cookies.

BOPOL: Cookies lang naman ang laking issue na para sa iyo. Masyado kang JJ!

ATTICUS: At ikaw, masyado kang magulang!

Tsk. Hindi lahat ng tao, porke puwede, ay dapat na mag-anak at maging magulang. Sana may quality control din sa mga balak mag-anak. May qualifying tests dapat. Hay.

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kaya di nakakapagtaka na maraming "bopol at buwaya" sa gubyerno. pinalakai ng "bopol" na magulang..

anon.

June 28, 2008 11:49 AM  
Blogger atticus said...

anon. sino ka?

June 28, 2008 11:54 AM  
Blogger Rudy said...

Hmm, is it any wonder why corruption can never be erased from the Filipino's psyche? Palagi kasi nating iniisip na the end justifies the means, eh...

June 28, 2008 6:39 PM  
Blogger atticus said...

rudy, i think it's more, we don't have a moral compass. or we don't listen to it enough.

ayan, nagagalit na naman ako lalo. ang tangang tatay talaga. hay.

June 28, 2008 9:47 PM  
Blogger Panaderos said...

Bad trip talaga iyong mga magulang na hindi iniisip kung anong ehemplo ang kanilang ipinapakita or itinuturo sa mga anak nila.

This also goes to show how morally corrupt our country has become. Some people no longer see anything wrong on some acts that others would see as morally reprehensible. Nabubulok na tayo talaga.

June 29, 2008 7:52 AM  
Blogger atticus said...

Nabubulok na tayo talaga.

aray ko. masakit pero totoo, panaderos.

June 29, 2008 12:24 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Online Users Free Website Counter
Free Counter