Kuripot
Nasa mall kami sa Bangkok. Naligaw kami sa lugar na puro mahirap ispelengin ang pangalan. Gucci. DKNY. Blahnik.
"Bakit sila, ang dami nilang perang pambili ng ganyan?" sabi ni Malou.
"Oo nga eh. Ano kaya ang trabaho nila? Dapat iyon din ang trabaho natin," sabi ko.
Naglakas-loob kaming tingnan ang presyo ng ilang itinitinda. Blouse na maganda, 1,500 baht. Mga 50 US dollars.
"Ang mahal naman!" sabi ni Malou.
"Oo nga, alis na tayo. Nangangati ako rito," sabi ko.
Kumain kami sa kalye, 40 baht ang fried rice at ulam.
Tapos naglakad kami pauwi. Mahal ang taxi. Ang bigat ng mga librong nabili namin, sa halagang mahigit 10,000 baht kapag pinagsama-sama.
Kanya-kanyang prayoridad lang talaga sa buhay. Hehe!
Ang bagong kinakarir ko: dalawang libro na sulat ni Barack Obama, at isang libro tungkol sa 85 taon ng mga manunulat sa Time Magazine. Sa halagang halos 2,000 baht.
(At hindi. Wala akong balak ipahiram o ipahipo kahit kanino ang mga bagong libro ko. Nadala na ako. Bawal ding puntahan ang bahay ko ng mga kababaihan diyan na mahilig mag-raid ng library ko. Shoooo!)

14 Comments:
At lumabas na naman ang pagka-Ilokana ni JJ... *peace* hehe ;-)
grabe naman, sino ba 'yang mga babaeng 'yan? sus!
snugly, malapit ka nang mag-bingo. tsk!
koryn, ewan ko ba kung sino ang mga iyon. basta, sila iyong nagbigay sa akin ng flowers noong mother's day.
kasama pa iyong tinatawag nilang queen bee.
hoy! isoli niyo mga libro ko! okinawa kayo!!!
Hindi ako babae. Puwede ba akong manghiram ng libro? Hehehe
Tulad mo, medyo gumagasta din ako para sa mga libro at magazine na informative. Hindi rin ako gaano namimili ng damit. Kung mamili man ako eh dahil lang sa tumaba na naman ako. :(
hindi naman siguro kuripot. mahal lang talaga. hehehe... pahiram naman nung kay barack (ang tigas na ulo ko... sabi na nga bawal). hehehe... sige bili na rin lang ako.
panaderos, come to my parlor, said the spider to the fly....
bwahahahaha! *evil laugh*
ako rin. ang taba ko na. kaya lalong hindi ako bumibili ng damit. para mapilitan akong magpapayat.
dong, tama ka. bili ka na lang. kasi baka tawag-tawagan kita oras-oras habang nagbabasa ka para tanungin kung kelan mo isosoli iyong libro ko.
tama. unang sweldo ko bibili ako ng mga babasahin. di ko pa nasubukang bumili ng bagong issue ng fhm e o :)
hindi pa raw tapos 'yung isa magbasa ng portraits in sepia :p
kanya kanyang style lang yan sa buhay. san nga yung library mo? ang mahal kung bibili ako eh. :-)
sa thailand, from pinakmura to pinakamahal meron. haaay.
hope you enjoyed your trip.
rudyman...ading ko....bumili ka ng ibang babasahin, ha? huwag iyong puro litrato? grrrrr!
penny lane, sabihin mo riyan sa babaeng iyan, magkakakulay na ulit ang mga sepia na iyan, di pa siya tapos.
rheiboy, oo nga. maraming corners ng thailand na book buyer's delight.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home