Friday, March 31, 2006

The Screamer

I woke up to what seemed like the sound of a thousand hooves, of someone trying to chase someone across the room on the other side of the wall. I heard a woman's confused scream. Sleep was violently yanked off from my pillow, and my room felt strange. There was a creaking sound, peaking then slowing down.

Then silence.

Punyeta. My neighbors were having sex at 3 in the morning.

With every minute I tossed and turned but failed to drowse off, I was losing respect for Filipino architects and engineers. Men, can't you build houses right?

To my neighbors, please keep it down. Not everyone's having sex these days.

Tuesday, March 28, 2006

I Hope She and CJ Meet Someday


It's been eight months since I last saw her.

She's smart, independent and so damn strong-willed like her mom.

She's two now.

I miss you honey.

Sunday, March 26, 2006

Tutubi at Alitaptap


Kapag nakakakita ako ng tutubi, bumabalik ako sa pagkabata. Sa Zambales. Alam ko wala pa akong limang taon noon. Kasi buhay pa si tatay eh. Tanda ko, tanghali na, naka-pajama pa ako. Pero malamig ang hangin. Dinadayo ko ang taniman ng sitaw ng kapitbahay namin. Nasa tabi kami ng highway pero ewan ko, berdeng-berde ang paligid. Hinahayaan ako ng mga magulang ko, kasi hindi naman ako lumalayo. Maghapon ako sa sitawan, nanghuhuli ng tutubi. Aalis lang ako pag oras na ng pagkain at lumilitaw na ang mga ugat sa leeg ng nanay ko kasisigaw sa akin. "Leeen-leeeeeennnn!!!"

Lagi akong tulala sa mga tutubi. Ang daming kulay. Iba-iba. Tapos, pag di ko nahuli, magkagulo man ang mundo, magutom man ako, dumilim man ang paligid, dumagundong man ng ulan at kidlat, hindi ako titigil. Tapos titingnan ko ang pakpak. Babali-baligtarin. Sisipat-sipatin. Sisilip-silipin ang bawat singit. Pipiliting alamin ang sagot sa mga tanong na dapat masagot. Paano ito nakalilipad, gayong ang nipis at tagusan ang pakpak? Bakit walang talukap at ang laki ng mata? Tapos pakakawalan ko. Tapos pepestehin ko ang mga magulang ko sa katatanong. May pabrika ba ng tutubi? May nagpintura ba sa kanila? Saan sila ipinapanganak? Paano? Bakit iba-iba ang kulay nila? Ang magkakapatid bang tutubi, iisa ang kulay?


Pagdating ng gabi, matapos pestehin ang mga kalahi ko sa hapag-kainan sa mga tanong ko, tulala ulit ako. Ang dami namang alitaptap. Maluwag iyong likod-bahay namin noon kaya maraming puno. Kumikinang ang ilan sa kanila dahil pinuputakti ng alitaptap. Parang piyesta. Sa isip ko, maingay na nag-uusap ang mga alitaptap. Nagkukuwentuhan. Nagkukumustahan. Kasi gabi lang kung magkita sila.

Ang nanay ko naman, sabi alagad ng kapre ang mga alitaptap. Alam ko na noon pa na kalokohan iyon, na ayaw lang niya akong lumabas ng bahay nang gabi. Akala mo ba sapat na iyon para matakot ako? Hindi! Nanghuhuli ako ng alitaptap tapos inilalagay ko sa bote. Dadalhin ko sila sa liwanag, sa mesa, tapos pilit aalamin kung bakit may baon silang bumbilya sa puwit. At dahil di ko naman talaga makukuha ang sagot, dadalhin ko na lang ang bote sa ilalim ng puno. Bubuksan. Laya na sila. Isang tangang isip na naghahanap ng sagot, na di rin naman nakita.

May mga tutubi at alitaptap pa rin sa isip ko ngayon.

Friday, March 24, 2006

Flatliner?

If you’re sick and in dire straits, chances are you’ll have to rely on our government meager budget for health care. And there’s not much money to go around. This year, government has set aside a little over P0.50 per day for every Filipino’s basic health services. That’s P15 a month for each of the country’s over 85 million population.

In a country where 40% of the population earns less than P100 a day, health care is a luxury. That’s why five out of ten Filipinos die without ever setting foot in a hospital or getting any form of medical care. And for the five who do, the medicine they need may be non-existent.

These days, the picture is made more bleak by the exodus of our health workers. Some 84,000 nurses have left the country from 1994 to 2004. Our doctors have followed suit. Some 9,000 doctors have traded their stethoscopes for nurses’ caps to fastrack their deployment in hospitals abroad. The Philippine General Hospital alone loses up to 500 nurses every year to foreign hospitals. It is a race that leaves a lot of patients behind, and a health care system that is moribund.

Is our government’s health service headed to a flatline? Know more about the problems plaguing our health care system and the faces behind the statistics this Saturday, 9PM on Imbestigador.

Tuesday, March 21, 2006

Three Days of Driving

Day 1, the first time I drove Jimny the Cricket long distance: (Bulacan)
Bunny da best friend: Ang bagal mo! Pull over ka na. Ako na!
Me: Teka lang! Gimme a break! I'm not going to be an idiot forever!

Day 2 (Antipolo)
Bunny da best friend: Okay na, kilala mo na siya. Good.

Day 3: (Zambales and back)
Bunny da best friend: Putang ina! Lampas 120 KPH na, naghahanap ka pa ng puwedeng ma-overtake? Sobra ka na! Kanina ka pa overtake nang overtake!
Me: I told you it wasn't going to be forever.

When I dropped him off tonight:
Bunny da best friend: Bro, okay ka na. But when you're alone, promise me 90 will be the max.
Me: This was how I drove ten years ago.

You and me, Jimny. You and me. We gonna go places. We gonna go fishing!

Spare me the load on Tuesdays. It's my day off and I'm going to have a life!

(And thanks to Angel and Vond for remembering Point Negra and putting the destination on the key chain. Really appreciate it, guys.)

Sunday, March 19, 2006

I Hate Myself Today

It's been weeks and I know this will stretch on to months. I hope I won't be counting years.

As friends we've counted birthdays. Counted scoops and scrapes with sources. We can rattle off events that made us who we are. We can guess what the other's thinking. You know what matters to me, and I know what you hold dear. We're both of volatile temper but we've always worked out who's going to blow off steam now, right now. Our friendship has been tested numerous times, in major ways, but we've seen the friendship through. We can rattle off incidents when we were present for the other. Major life upheavals, secrets we never tell anyone else. Life's pains, we sorted out together. We dusted each other off after every fall. We shared beers and lots of hugs. I cried and broke down on your shoulder countless times. Your family has adopted me, and I have adopted yours. Lots of years together, you and I. How long has it been? Over a dozen and a half? Nay, more. It hurts to count the years we watched each other's back.

This time we're watching each other and perhaps secretly counting offenses.

Others have tried to nudge us to get back on track, repair the hurt and break bread. I wish I could but it's not that easy. I didn't speak out when you attacked. I should have. When I didn't, I knew I'd nurture the hurt.

And I hate myself today for not picking up the phone, and the friendship. All I can remember right now is how you belittled something I worked hard for the past four years, in just one sentence, which made me question the friendship. Did you enjoy doing that?

I hate myself today for not going to that third party-brokered bread-breaking brunch. I still do not find the reason to sit across you and mend fences.

And I know myself. I know I can stretch the silence for years. Until it doesn't matter anymore. No one's mastered walking away better than I have.

And I hate myself today because I know I will.

Tuesday, March 14, 2006

Magulong Mundo

Ayan, napaiyak ni Enrile si Madrigal sa session dahil sinabi ng lolo na nakiki-party ang mga magulang ng senadora sa mga Marcos noong panahon ng martial law. Waltzing with the dictator baga. Ngumawa ang lola mo sa session hall. May sakit daw ang tatay niya at di tamang nadadawit sa ganitong usapin. Hmm, sa tinagal-tagal kong nag-cover ng senado, wala pa akong nakitang umiyak sa session hall. Snake pit ang session hall, dapat handa ka lagi. Bawal ang ngumalngal. Walang glamor at dignity iyon, day. Pero at least, histrionic, ay historic si Madrigal. Da pers to cry in session hell, ay hall. Ses-sion hall.

Ay, bakit ba wala akong awa? Kasi may hindi tintrato nang maganda si Madrigal na kakilala ko. Siguro rin masama talaga ang loob ni JPE. Nabasa ko sa Newsbreak na minsan ay nakiusap si Enrile na makikisakay sa personal chopper ni Madrigal noong kampanya ng 2004. Isasabay rin daw ni JPE ang kanyang "female companion." Nag-tantrum daw ang Madrigal at ang sabi, bakit niya kailangang isakay ang matanda at ang kanyang kasamang babae? Ang di alam ni Madrigal, nasa likod lang niya iyong babae. Kaya noong Pasko, ayun, ibinalik ni JPE ang regalong food for the gods ni Madrigal. Wagi sa drama ang mga nasa senado, ano? Karangal-rangal, grabe! Epitome of dignified manner sila. Sabi nga, parang aso, may breeding. Tama ba iyong figure of speech ko, Friedwater?

Tingin ko mas pag-uusapan ng marami ang iyakan/iyakin sa session hall.

Mababaon sa atension ang pag-aresto kay Jose Luis Alcuaz kanina dahil sa hindi raw naisoling van noong direktor pa siya ng PCSO. Susme. Panahon pa nino iyon? Bakit ngayon lang nakalikot ang kasong iyon? Pero naisoli na raw niya last year. Siguro kasi biglang may nakaalala na nasa kampo ni FPJ si Linggoy. Hindi naman masyadong obvious ang timing, ano? May nagka-amnesia lang. At ngayon lang nahimasmasan. May gamot ba roon, Doc Duke? Kero?

Si Dinky Soliman naman, coup pal daw. Sabi ng isang NPA. Basta, NPA daw siya. Ganda ng costume niya kanina sa DOJ. Bullet proof vest, big dark glases, tuwalya sa ulo na inipit sa puwesto ng isang baseball cap. Ganda ano? Irerekomenda ko sa lahat ng whistleblowers na walang paninindigan ang ganitong outfit. Siyempre kung kokunsultahin ko sina Koryn at Angel, gagawin nilang pink lahat ang kulay ng mga abubot na ito. Para naman may saving grace ang appearance, never mind the testimony. Tama ba, girls?

Mababaon din ang balita tungkol sa paghingi ng search at arrest warrants para sa PCIJ office at staff. Hindi naisyu, kasi nag-abang ang mga mediamen sa labas mismo ng korte. Tsk. OC ba ako o ano? Kasi kung hahalughugin ang opisinang iyon, ang hirap ibalik sa ayos ang mga dokumento at mga libro. Ang dami eh. Tama bang housekeeping ang concern ko, Floyd? Tingin mo may ADHD ako?

Siyempre mababaon din sa limot ang kuwento ng limang mambabatas na akusado ng rebelyon at hanggang ngayon ay sa Batasang Pambansa natutulog. Tingin mo may mumu doon, Tim? Katakot doon pag gabi. Ayoko nang ginagabi ako roon noon. Puro puno. Parang inaabot ka ng mga sanga para miryendahin. Midnight snack baga.

Wala ring makakapansin na may P17.1M na halaga ng bigas na nalunod sa karagatan ng Cebu dahil sa banggaan ng dalawang barko kanina. Nadagdagan na naman ang naghalong tubig at langis sa dagat natin.

Si Noli naman, umurong ang...well, paninindigan. Okay na raw sa kanya na huwag pag-usapan ang Hello Garci tapes kasi nagpaliwanag na si PGMA sa kanya. Hello? Kayong dalawa lang ang mag-uusap? Paano naman kami? Kayu-kayo na lang ba? Isama niyo kami sa paliwanagan. Pati si Garci. Tawagan ko lang siya, ha? Hello, Garci?

At ang dapat namang mabaon talaga sa limot ay itong pitong pangalang sinasabing magiging caretaker daw ng gobyerno kapag napatalsik si Ate Glo. Dagdag pa kayong pasaway. Sino naman ang nag-appoint sa inyo, aber? Pumayag ba kami? Ano ito, salimpusa kami? Kayo na lang ang magdedesisyon? Pati kayo parang buwitreng hayok. (Nyeta. Ang lalim! Galit nga ako!)

Kung lahat kaya ng gustong umalis ng bansa ay kayang magbayad ng pasaporte at makakuha ng visa, may matitira pa kaya sa bayan natin?

Siguro itong mga pasaway na politiko lang. Pero hindi sila mag-eenjoy. Wala kasi silang bobolahin, lolokohin, iinsultuhin, aalilain, bubuwisan, kokotongan, dadayain, aapihin, bubusabusin, aalipustain. Wala silang paglalaruan at pananatilihing mangmang at gutom. (Nyeta. Ang lalim! Galit na nga ako!) Kantahan mo ako, Sam.

Sunday, March 12, 2006

If the Crowd Had An Orgasm...

"Bakit ba lagi na lang akong sinasabihang mali ang gamit ko ng 'kaganapan'?" tanong ng kaibigan kong reporter sa kabila. We were having beer in one of those nipa huts that happily and thankfully secluded us from the outside world. Iba-iba networks namin pero kita-kits kami lagi. Tsismisan.

"Paano mo ba ginagamit?" I asked.
"Iyan po ang kaganapan dito sa rally sa Ayala," he says.
"Bakit, did the crowd have an orgasm?" I said.
Tawanan ang bayan.
"Kagapanan is satisfaction, gratification. Unless there was an orgy in Ayala and they all came, you can't use 'kaganapan.' Why not say 'Iyan ang nangyari rito?' Simple. Naihatid ang mensahe. Okay lang gumamit ng malalim na salita pero dapat alam din ng audience at tama ang gamit."

Maraming maling gamit ng sarili nating wika. Sa entry na ito, at sa susunod pa, babanggitin ko ang mga maliliit na saksak na ginagawa natin sa ating sariling wika na unti-unti nang namamatay dahil sa maling gamit at dahil na rin sa lintek na texting na iyan.

RAW, DAW, DOON, ROON - kapag ang salitang nauna rito ay nagtatapos sa A, E, I, O U, W, at Y, ang tamang gamitin ay RAW AT ROON. Sa iba pa, daw ang gamit. Halimbawa: DOON DAW, DITO RAW. Bawal ang tao RITO. MERON DAW, WALA RAW.

DI BA - mula ito sa salitang "hindi ba." Dalawang salita ito, hindi isa.

NA RIN - dalawang salita, huwag pag-isahin.

AT SAKA - dalawang salita, huwag pag-isahin.

LALUNG-LALO, ANU-ANO - kapag ang root word ay nagtatapos sa O, ginagawa itong U kapag inuulit.

NG at NANG - Simplehan na natin ang rule dito. Kapag descriptive ang salitang kasunod, NANG. Kapag noun ang kasunod, NG. NANG maganap ang nakawan. Laman NG baso. Importante ito dahil ang mga tv networks ngayon, lahat may downstreams (iyong nakasulat sa ibaba ng screen, iyong lumalakad na mga letra). Kapag mali ang gamit, may mga batang nanonood, mali ang edukasyon na ating naibibigay. Lalo na ang bata, basta nakita sa TV ang spelling, akala lagi tama.

MUKHA - dito ako iritang-irita kapag nakikita ko sa script na mali ang spelling. It has an H, for crying out loud! Bagsak na ba talaga ang kalidad ng edukasyon? Hay!

Monday, March 06, 2006

Goodbye, My Lover

I saw a CNN report about James Blunt yesterday, talking about how the British soldier traded his rifle for a guitar and how he's been so critically and commercially successful. I bought his Bedlam CD hours later. I love his writing, but dammit, in three minutes he plunged me into deep depression i can't crawl out of.

Goodbye My Lover

Did I disappoint you or let you down?
Should I be feeling guilty or let the judges frown?
'Cause I saw the end before we'd begun,
Yes I saw you were blinded and I knew I had won.
So I took what's mine by eternal right.
Took your soul out into the night.
It may be over but it won't stop there,
I am here for you if you'd only care.
You touched my heart you touched my soul.
You changed my life and all my goals.
And love is blind and that I knew when,
My heart was blinded by you.
I've kissed your lips and held your head.
Shared your dreams and shared your bed.
I know you well, I know your smell.
I've been addicted to you.

Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.

I am a dreamer but when I wake,
You can't break my spirit - it's my dreams you take.
And as you move on, remember me,
Remember us and all we used to be
I've seen you cry, I've seen you smile.
I've watched you sleeping for a while.
I'd be the father of your child.
I'd spend a lifetime with you.
I know your fears and you know mine.
We've had our doubts but now we're fine,
And I love you, I swear that's true.
I cannot live without you.

Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.

And I still hold your hand in mine.
In mine when I'm asleep.
And I will bare my soul in time,
When I'm kneeling at your feet.
Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.
I'm so hollow, baby, I'm so hollow.
I'm so, I'm so, I'm so hollow.

Saturday, March 04, 2006

Clan Reunion - I Survived!

You get asked every 15 minutes why you're still single and since there's no right answer, you get told you're lesbian-inclined.

I did use all my blogmates's suggested response. "Baka naman tomboy ka, ayaw mo lang umamin." Nyeta. I did not even dignify it with a response. My aunts know and spoke with Da Kevin while I was in San Francisco, so they know where things stand. Eh ayaw ko ngang magpaliwanag. Bakit ba pati napaka-personal na buhay uukilkilin? Gusto kong sabihin sa mga pinsan ko na "kung ang mapapangasawa ko ay tulad ng asawa mo na kanina pa tinititigan ang legs at dibdib ko, hindi bale na lang!"

In the end, I had to use Doc Duke's line. "Wala pa kasing same sex marriage dito sa Pinas!" Saka naman ayaw nilang maniwala na lesbiyana ako. Letse. Sala sa init, sala sa lamig.

Anyway, BENEDITO. Walang C. Abra. Doon pala nagmula ang aking angkan. Magkahalong Espanyol at Pranses. Ika-limang henerasyon na kami. May politikong BENEDITO na tumakbo sa eleksion at pinalitan niya ang apelyido namin at ginawang BENEDICTO. Nagsanga-sanga at nagkaroon na ng apelyidong Diamante, Jimeno, Suguitan, etc. Mahigit isandaan ang nakarating, mahigit isandaan ang hindi, mahigit isandaan ang nasa abroad, mahigit isandaan ang patay na. Nagkalat sa La Union, Bicol, Abra, Ilocos Sur, Amerika, Canada, Nigeria, Australia, etc, etc. May politiko, beterinaryo, nars, IT engineers, OFW, suportado ng OFW, bum, tambay, etc.

Pero sa lahat ng di ko maunawaan, ang dami naming pastor sa angkan. Protestante kasi sila. Kaya ayun, nagmistulang isang mahabang service ang reunion. Service sa umaga, sa hapon, prayers sa bawat pagkain. Ang bait namin. Hindi ako nagmura maghapon.

Uulitin daw namin sa susunod na taon. Kung wala pa akong asawa by that time, magrerenta ako ng lalaki. Para me ibang topic naman.

Friday, March 03, 2006

When Lying Simply Ain't Safe

Puwera yabang. Huwag sa dyornalists, specially those who pounded the police beat. Dito natututo ang mga tao sa newsroom na magkaroon ng sixth sense pagdating sa lokohan, patayan, pandaraya, panggagantso, pang-eestafa, katiwalian. Kaya kung nagdi-date ka ng nasa linyang ito ng trabaho, at balak mong lumusot, huwag mo nang subukan. Umamin ka na lang, para tapos na. Por da seyk op world piss.

"Nakakapagod. Pinalalampas ko na lang," sabi ng isang kaibigan kong reporter na bakla. Niloloko siya ni labs niya. Ayaw na raw niyang komprontahin, kasi alam niya naman kung alin ang totoo.

Ako? Ang daling i-call ng lies na iyan. Ayoko lang. Tama iyong kaibigan kong bakla. Nakakapagod. At kung minsan, ayaw mong ipahiya ang kapwa.

Paano nga ba kami naging ganitong klaseng tao?

Sa police beat, sari-saring kriminal ang makikilala mo. Araw-araw. Dose-dosena. May umaabot sa pahina ng diyaryo, may nabu-broadcast, marami ang hindi. Pero sa parada ng mga suspek sa police station, marami kang matututunan. Hindi puro gusgusin ang kriminal. Hindi porke mahaba ang buhok, artist o rocker o rebelde o napag-iwanan ng dekada sitenta. Kung minsan, iyong maayos ang pananamit at pananalita ang may mas malaking krimen. Totoo iyan, sa police station man o sa politika.

Sa police beat ka natututong magbasa ng kabuuang kilos ng isang tao. Malikot ang mata? Nanginginig ang kamay? Masyadong kalmado?

At higit sa lahat, dito kami natututong bumasa ng mga mali-maling kuwento. Kunwari hindi namin pinapansin ang sinasabi mo, pero maya-maya, itatanong namin uli ito sa iyo. Pag nagkamali ka ng detalye, wala na. Dahil ang totoong kuwento, anumang gawin mong pagbabalik-balik, pagbabali-baligtad, nanatiling iisa.

Kaya iyong sinasabi nilang "the truth will set you free?" Totoo iyon. Masarap matulog pag wala kang inaalalang kasinungalingang pinakawalan sa nakalipas na araw. Iyong sinasabi nilang "magpakatooo ka?" Tama rin iyon!

Paano kumilos kapag gaya namin ang kasama? Simple lang. Maging totoo ka. Tatawanan natin lahat. Kalokohan. Kahihiyan. Sikreto. Ano pa man iyan, okay lang iyan.

Dahil sa police beat, nakita rin namin na sa totoong buhay, walang buhay na perpekto. Lahat tayo meron niyan. Kalokohan. Kahihiyan. Sikreto.

Kaya rin ang lakas naming tumawa. Kasi tanggap na namin lahat. Marami na kaming nakita at makikita pa. Marami pa kaming makikita na hindi nakikita ng regular na tao. Sa trabahong ito na puro sinungaling ang kasalamuha, ginto sa amin ang totoong tao.

Huwag mong gawan ng monumento ang sarili mo. Hayaan mong ibang tao ang gumawa noon para sa iyo.

Beer pa. Beer pa. At huwag kang mambobola.

Thursday, March 02, 2006

Jimny Cricket


There. I was finally able to muster enough confidence to drive him around, with da bes prend's irritating sermons. (He once tried to snatch the wheel and I growled at him. He slinkered and never did it again.) I grin and bear the bes prend's yakking with the thought it's not gonna be forever. My second day of driving and I realize my bad, old evil ways on the road are back over a decade after learning how to drive. They're right, it's like driving a bike. You never forget.

You and me, Jimny. You and me. We gonna have fun. We gonna see the countryside. We gonna meet a lot of people.

We gonna go fishing!
Online Users Free Website Counter
Free Counter