thanks to pcij Barbers: Commissioner…
Garcillano: Ah?
Barbers: Si Senator Barbers.
Garcillano: Senator.
Barbers: Meron daw order na ipalipat sa Manila yung canvassing sa Cotabato?
Garcilano: Wala akong alam doon, Senator. Sabi May 29. Wala naman akong napirmahan ngayong araw. Wala naman kaming pinipirmahan. Kaya vine-verify ko. Pero si Attorney Vidol, yung ating tao doon hindi ma-contact.
***
Barbers: Padre, maraming lumalapit sa amin na mga tao daw niyo diyan sa Comelec humihingi ng…binebenta ang boto. Ano bang gagawin natin diyan?
Garcillano: Sino sa kanila?
Barbers: Hindi ko alam kung sino pero merong dalawa na naglapit sa amin.
Garcillano: Kaya kaya?
Barbers: Ha?
Garcillano: Kaya kaya?
Barbers: Humingi ng masyadong malaki, pare… mga milyon ang hinihingi
Garcillano: Magkano?
Barbers: Limang milyon daw
Garcillano: Ha??
Barbers: Limang milyon.
Garcillano: Putragis na yan
Barbers: Di bale kung rasonable pwede naman tayong magdagdag.
Garcillano: Kung manalo ka, magbibigay ka naman…Sige na, ay kuwanin mo makikiano ka muna at titignan ko kung sino. Kunwari lang ano ka… pasok ang tao mo para malaman.
Barbers: Pero, pare. Willing naman kami magdagdag kung kinakailangan.
Garcillano: O, sige.
Barbers: Siguruhin lang ha
Garcillano: Sige lang, siguro para mabantayan ko
Barbers: O, sige, sige.
***
Barbers: Padre, yung kausap namin eh atras-abante. Umatras na naman.
Garcillano: Huwag na lang. Huwag na lang. Pipilitin ko baka kanilang labas yun…
Barbers: Kung ano lang, kung ano na lang kailangan, pare.
Garcillano: Pipilitin ko.
***
Woman: Sir, eh delikado
Garcillano: Delikado po? Oo, pero tignan natin. Huwag ka na lang maingay diyan.
Woman: Opo, opo, opo.
Garcillano: Tingnan natin baka sakali
Woman: Sir, tumawag sa akin si Presidente. Kasi apparently nagkausap sila ni Chairman Abalos diyan
***
Barbers: (garbled) sa Basilan wala ng nagbabantay, pare, pinabayaan na ng mga tao (garbled) di ina-acknowledge si Rey sa Basilan.
Garcillano: May petition kasi for annulment doon.
Barbers: Ah ganoon?
Garcillano: Sumobra masyado.
Barbers: Baka pwedeng ikarga mo naman yung 70,000, pare? Kaya ko naman yata
(garbled)
Barbers: Sa Basilan pala puede pa at sa Isabela. Pero sitenta na lang ang kailangan, pare. Garcillano: Oo.
Barbers: (garbled) 70,000 na lang ang kailangan. Hati-hatiin mo na lang, kokonti lang iyan.
Garcillano: Ah…
Barbers: Pare, patotohanin mo na. Wala nang pag-asa yan pag ganyan.
Garcillano: Oo, nga. Barbers: Patotohanin mo na lang, pare. Kung anong konsiderasyon, sabihin mo na lang sa akin. Kung ano pang additional.
Garcillano: Ah, okay.
Barbers: Pare, pakisuyo lang para matapos na. (garbled) Marami pang natitira, puede pang idagdag eh, 70,000 lang ang kailangan, pare.
***
Barbers: Padre, pag nakumpleto mo, proclaim mo na kaagad na para tapos na.
Garcillano: Oo, naka-ready na ha.
Barbers: Sige, sige, timbre mo sa akin kung kailan ko dadalhin yung requirement.
Garcillano: Oo, ngayon, hanggang bukas kailangan mayari.
Barbers: Sige, basta sabihin mo lang kung magka…
Garcillano: Magkano? …(garbled) kung humingi sila. Sinasabi ko lang kung dadagdagan natin siguro, baka manghingi eh.
Barbers: Okay lang, pare.
Garcillano: Okay, sige.
Barbers: Okay lang, okay lang.
Garcillano: O, sige.
Barbers: O, kailan ko dadalhin? Malalaman ko na bukas. Basta i-proclaim mo na, kung magkano kailangan, sabihin mo lang sa akin. Garcillano: O, sige.
***
Barbers: Padre.
Garcillano: Mag-ready ka…
Barbers: Oo, naka-ready pa rin. Basta sabihin mo lang ayos na padadala ko na.
Garcillano: (garbled) papuntang Baguio pero kung maaari magpkuwan kang magkano kung anong kaya. Kahit magkano?
Barbers: Oo, sabihin mo. Ikaw ang masunod. Mamamaya magbigay tayo ng mali
Garcillano: One-five to two. Barbers: O, sige.
Garcillano: May tao diyan sa opisina ko, si Mrs. Peralta na siyang hahawak. Hindi naman ibibigay kung hindi naman maka-deliver e.
Barbers: Oo.
Garcillano: Pero babalik rin ako bukas, either bukas ng hapon o tanghali.
Barbers: Saan dadalhin ang pera?
Garcillano: Kay Mrs. Ellen Peralta.
Barbers: Ellen Peralta.
Garcillano: Ah, oo siya ang executive secretary ko.
Barbers: Hanggang anong oras?
Garcillano: Tatawagan ko na siya ngayon kasi paalis na ako. Okay, basta ready. Makuwan siguro yan (garbled)
Barbers: Paano ko padadala ang pera? Paano ko padadala, manong?
Garcillano: Padala na ngayon para habang kuwan.. Barbers: Basta hanggang six o clock nandoon. (garbled) walang pangalan, padadala ko lang
Garcillano: Ha? Ipadala mo na.
Barbers: Ipadala ko na. O magkano? one more time. Garcillano: 1.5.
Barbers: O, ikaw.
Garcillano: Anyway, kung hindi magamit, di, ibalik. Barbers: O, sige, sige…Peralta ha? Ellen Peralta?